"They used psychological tricks in the course of the interrogation, dwelling on my religious background when I was younger. They demanded that I name names, to narrate my history in the movement. Failing to respond, they hung me by the wrists. By this time I was already very weak because of my refusal to eat, made even worse by my menstrual period. I was left hanging for a day and a half. At first i thought that i could bear it because I was on tiptoe. But later they raised me further..." (pp. 79 "To Suffer Thy Comrades")
This and much more of the horrifying experiences Ka Elma suffered in the hands of her comrades. Not known to many she also suffered the witch-hunt that ravaged the left in a massive scale.
Surely enough that even her frail condition (having been from a spinal operation) to begin with didn't avail her any mercy as she saw comrades being killed in front of her one by one to the tune of
Pen-Pen de Sarapen.
Ka Elma survived the ordeal but now she needs our help.
------------------------------------
Paanyaya mula sa Sarilaya para sa ating mga kabaro, kaibigan, at kasama…
Mainit na pagbati!
Ang SARILAYA ay organisasyon ng kababaihang aktibista na naglalayon na makapag-ambag sa pagbabago ng pantay na kasarian at lipunan at pagsasakapangyarihan sa kababaihan upang lubos na mawala ang lahat ng porma ng pang-aapi at diskriminasyon sa uri, kasarian, lahi at etnisidad.
Upang ito ay matagumpay na makamit, susi ang mga masisigasig, masisipag at naninindigang staff ng Sarilaya. Sa kasalukuyan, ang Sarilaya ay may pangangailangang makalikom ng sapat na salapi upang matustusan ang medikal na gastusin ni Lota (Ka Elma) Encio na isa sa mga haligi ng organisasyon. Si Elma ay may pelvo-abdominal growth sa kanyang obaryo at nangangailangan ng kagyat na tulong. Ito ay dagdag pa sa kanyang pagiging “other-abled” dulot ng deperensya sa spinal column na nagresulta sa kanyang pagkakakuba.
Sa limampung (50) taon ni Lota, higit sa kalahati nito ay kanyang ginugol sa kilusang pagbabago – pagbabago ng mga di-pantay na relasyon bunsod ng uri, gender, pananaw. Gamit ang kakayanan sa edukasyon, si Lota ay isa sa mga batikang instruktor-organisador ng mga katutubo, mangingisda, magsasaka at kababaihan sa nagdaang mga panahon.
Small but terrible. Ganito si Lota o Elma ---Tinitingala, bagaman ay hanggang beywang lang ang kanyang taas dahil sa kanyang pisikal na kapansanan.
Si Elma ay kumilos kasama ang mga katutubong Dumagat nang higit dalawang taon; higit sa sampung taon naman kasama ang mga magsasaka at mangingisda. Ngayon, patuloy siyang kumikilos sa hanay ng kababaihan. Iisa ang inani ni Elma mula sa mga taong kanyang nakasalamuha – malaking tiwala para sa kanyang kakayanan at kaalaman.
Tubong Samar si Elma at nagtapos sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila ng Social Work. Maaari sana siyang kumuha ng ibang trabahong may mataas-taas na sahod, subalit pinili niyang mas makapaglingkod bilang isang manggagawa para sa panlipunang hustisya’t kaunlaran. Sa loob ng tatlumpung taon, si Elma ay naharap sa mga panganib sa loob at labas ng kilusang pagbabago. Subalit nalampasan niya ito.
Sa ngayon, si Elma ay nahaharap sa isa na namang mabigat na pasanin—ang problema sa kanyang kalusugan. Kasalukuyan siyang nag-aalternatibong paraan ng pagpapagaling para lumiit kundi man matanggal ang lumalaking cyst sa kanyang obaryo. Ang kanyang pagpapagaling ay nangangailangan ng palagiang check-up, ion cleansing, pyro-energen treatments, at araw-araw na medikasyong panlaban sa cancer. Ayon sa doctor, kailangan na ni Elmang MAOPERAHAN SA LALONG MADALING PANAHON.
Nangangailangan po si Elma ng tulong pinansyal upang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling. Isang kaparaanan ay ang isang benefit concert na pinangungunahan ng Sarilaya. Ito ay itatanghal sa ika-17 ng Nobyembre 2006, 6-9:30pm sa The Conspiracy Bar and Café, Visayas Avenue, Quezon City (lampas lang ng konti sa Jollibee, harapan ng Shell gas station kung galing ng QMC). Ang mga performing artists ay sina Cynthia Alexander, Bayang Barrios, Susan Fernandez, Joey Ayala, Noel Cabangon, at various artists.
Kami ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik at pagsuporta kay Elma.
(for ticket reservations please call haydee and lani at 434-0969 at 927-7123)
I am about to start a blog and your blog gave me much hint how to do it.